07/21/14 selfie at laboratory during CAPSTONE2. Kyot ko diyan. Mukhang chinitang pugot ang ulo. Lol.

Ang bigat bigat ng pakiramdam ko paggising ko. With matching iyak pa. Sobrang sakit sa puso. Mga thirty minutes pa ata akong nagstay sa higaan at umiyak bago bumangon at mag-cr para umiyak uli.

Napanaginipan ko kasi nanay ko. Andun daw kami sa bahay namin sa Batangas. Nakakandong ako sakanya. Tapos ang lungkot lungkot ko. Paulit-ulit ko siyang tinatanong ng “Di ka na babalik doon?” Tapos parang hindi naman niya ata ako sinasagot. Hanggang sa pumunta kami sa kusina ng buhat buhat niya ako. Palagay ko nga mukha akong seven-year old sa panaginip ko eh. Tinanong ko siya uli, tapos tumango na siya. Edi ang saya saya ko. Niyakap ko siya ng mahigpit tapos pinag-kikiss ko siya sa pisngi. Ang daldal daldal ko pa kasi ang dami ko daw gustong ikwento sakanya. Parang inasar pa nga niya ako kung may crush na daw ba ako. Tinawanan ko lang siya. Ang sabi ko hindi tungkol doon, ang gusto kong ikwento is nagbago na ako ngayon. Ang laki ng pinagbago ko tapos nag-aaral na daw ako.

May mga picture daw doon sa kusina, nilapitan namin ‘yun tas bigla na din dumating si ate. ‘Yung itsura ni ate parang high school pa lang siya. After namin tignan ‘yung pictures, nagising na ako.

Nagising akong ang bigat bigat ng pakiramdam ko. At basang basa ang mata at pisngi :(  Pagkagising ko, agad kong nasabi sa sarili ko pagkalingon ko sa tabi ko, “Wala naman siya eh. Sabi niya hindi na siya babalik doon.”

Ang sakit sakit grabe. Eight years na nakakalipas, ngayon nangungulila pa din ako sa nanay ko. Naaalala ko noon naiinis na sa akin ate ko kasi hindi talaga ako makakatulog hangga’t hindi ko katabi o kayakap nanay ko. Tapos ‘yung pinalo niya ako ng hanger kasi ayaw kong magreview, tapos may exam ata kinabukasan. First time ‘yun. Hindi niya ako pinansin ng buong araw. Nagtulugtulugan pa siya kahit na hinatak ko na siya hanggang sa malaglag na siya sa kama. Ayaw niya talaga akong pansinin. Haha.

Tapos naalala ko din ‘yung mga panahong umiiyak siya kasi nag-aaway sila ng tatay ko. ‘Yung aalis siya ng bahay tapos sasabihin niya mag-iSM lang siya. ‘Yung mga panahong nakakarinig ako ng masasakit na salita sa kamag-anak namin tungkol sakanya. Kakapal ng mukha nila, ang bait bait ng nanay ko sakanila, tas pagtalikod niya kung ano ano na sinasabi nila.

'Yung panahong sobrang kampante ako sa sarili ko. Na puro laro lang nasa isip ko. Hindi ko na inisip na 'yung nanay ko nakaratay sa hospital. Tapos kung kailan ko naman siya bibisitahin, 'yun pa 'yung oras na nakikipagpatintero na siya kay kamatayan. Ayun 'yung mga panahong sobrang pinagsisisihan ko.

Ang dami kong gustong ikwento sakanya, gusto kong sabihin na nakakakuha na ako ng awards simula high school. Na topnotcher ako sa tatlong subjects last sem. Na napasa ko ‘yung tatlong thesis ko, at ngayon pinagsisikapan kong matapos ‘tong last. Na malapit na akong grumaduate. Na sinunod ko ‘yung palagi niyang bilin sa amin na mag-aral ng mabuti,

Gusto ko din ikwento na nagsusulat ako ng mga fiction stories. Na may mga nagsasabing maganda ‘yung sulat ko at magaling akong manunulat.

Napakadami. Napapaisip na naman ako, paano kaya kung buhay pa siya? Anong klaseng Zaida Mades Briones Taniza ako ngayon? Siguro mas better version nung ngayon. Kasi alam kong mapapalaki ako ng maayos ng nanay ko. It just happen na maaga siyang kinuha ni Lord.

Alam ko namang kahit hindi ko maikwento sakanya ng personal ngayon ‘yung mga gusto kong sabihin, nakikita niya lahat ng hardworks ko :)

I love you so much, ‘nay! Miss na miss na kita! Pasensya na kung hindi ako nakakadalaw diyan sainyo nila kuya at lolo. Kung dati natatakot akong magpakita o magparamdam ka sa akin, ngayon hindi na. Sabi ko naman sayo nagbago na ako eh. Hindi na ako natatakot sa multo. Pero sa multo mo lang, ha? Haha. Salamat po sa pagdalaw sa panaginip ko. Pramis hindi ako magboboypren uli hangga’t hindi ako nakakahanap ng matinong trabaho. Hehe. Hanggang crush crush lang muna sa ngayon. Dami nga nila, ‘nay eh. Landi ng anak niyo. Dalaw ka po uli, pero sana ‘yung matagal tagal tayong magkakasama, dami kong gustong ikwento sayo eh. Labyuuu! Hart hart!

Dear Future Boyfriend,

Anone? Ngenge? Where na u? Trapik ba?

Pakiramdam ko pina-plastik lang ako ng mga kaklase kong lalaki. Lol. Uso ba ‘yun sa mga lalaki?

The desk feat. Wala pang ligo Me…

(Patong patong ng cellphone, wala namang katext. Labas labas ng yellow pad at libro, hindi naman talaga gumagawa ng assignment. Bat ganun ‘yung ilong ko? Parang pabilog?)

Hintay ka lang. Pag ako talaga… Makikita mo. Isasampal ko pa sayo. Para hindi mo lang nakita, naramdaman mo pa.

Paminsan gusto kong burahin na lang ‘yung story na ginawa ko o kaya i-deact na lang ‘yung Wattpad ko. Paminsan excited akong magbasa ng comments pero paminsan din kinakabahan. Paminsan kasi hindi ko alam kung maiinis ba ako o magagalit o maiiyak na lang sa ibang kritisismo na natatanggap ko.

Hindi ko pala sila kaya i-handle. Hindi din pala ganun kasarap sa feeling kapag may mga nakakapansin na ng gawa mo.

Paulit-ulit ko naman sinasabe sa sarili ko na hindi lahat magugustuhan ang gawa ko. Hindi lahat magugustuhan ako. May maiinis at maiinis sa gawa ko. Ganun talaga, ganda ko eh. (Charot!) Iniisip ko pa din naman ‘yung mga taong nagbibigay ng nakakatabang puso na komento. Pero syempre hindi maiiwasan na masasaktan ako at magddrama tulad ng ganito. Letch. Balat sibuyas kasi talaga ako.

Paminsan masaya. Paminsan nakaka-depress. Nasa Wattpad ako para makaiwas sa stress ng buhay. Hindi para mas lalong ma-stress.

Gusto ko ng magpasukan. Gusto ko munang maging busy sa ibang bagay na gusto ko. Gusto ko munang makalayo sa stress na dinudulot sa akin ng Wattpad ngayon.

Ako ‘yung babaeng pag-ayoko na, ayoko na. Pag kinaliwa ako, ayoko na. Tapusin na. Get out of my life. Good bye. Hindi tulad nung mga babae sa teleserye o kwento na pagniloko sila ng partner o asawa nila, ipaglalaban pa ‘yung relasyon o marriage. Sa akin, no. Niloko mo ko, tumikim ka ng iba, dun ka na. Nagawa mong mangaliwa, malamang kayang kaya mo din gawin uli. Magsama kayo ng tatay ko.

New addition to the shelf. A classic book, The Age of Innocence by Edith Wharthon. Trese 2 by Budjette Tan and KaJO Baldisimo. May bago na naman akong sisinghutin.

Namiss ko magbasa ng mga classic books kaya binili ko ‘yung Age of Innocence. Since hindi ko pa naman talaga nababasa ‘yun. Ang balak ko kasi talagang bilhin eh Jane Eyre. Isa talaga ‘yun sa favorite kong classic book. Nabasa ko lang kasi ‘yun noong high school ako sa library namen. Next na lang siguro.

Tapos ‘yung Trese 2 ang tagal ko ng balak bilhin. Last year ko pa nabili ‘yung 1. Hindi nga palagi natutuloy kasi lagi akong hinahatak ng paa ko sa mga PSICOM at Summit books. Balak ko talagang bilhin lahat ng issue ng Trese. Kahit masakit sa bulsa. Haha. Hindi ko alam kung pang-ilan na ‘yung latest.

This coming sem, last sem ko na para pumasok upang painitin ‘yung upuan sa room at makinig ng lessons, gumawa ng thesis, tumambay sa classrooms at pumasok sa NU. Bale ang gusto ko lang sabihin, pagbubutihan ko na ang pag-aaral ko.

(Lul, Zai. Pang-ilang sem mo na ba sinasabeng mag-aaral ka na ng mabuti?)

Isang bagay lang ang namimiss ko sa high school. ‘Yun ‘yung kahit hindi ko pagpuyatan ‘yung assignments, projects at pagrereview sa exams, naglalaro lang sa Top 3 o Top 4 ang rank ko.

Huhu. Lol. Huhuhuhu.

I feel depressed. Fuck this. Fuck that. Fuck those. I. Fucking. Hate. People.

Girl crush alert. Why so gorg?

Whatever stupid ugly author!

Stupid ugly author pala eeeeh! Punyeta ka ah! Alam ko! Hindi mo kailangan ipagduldulan sa akin! Ang sakit sakit kaya!

Lol. Huhuhuhuhu. #anobatalaga?